icon-category

Driving at mga Racing Game - Pahina 10 🏎

Imaneho ang iyong kotseng pangkarera sa Y8.com. Laruin ang 5000+ ng mga pinakamagandang larong kotse, parking, kart, trak at traktor ng libre sa pinakamalaking koleksyon ng mga larong Pagmamaneho at Pangkarera online.

Ang kasaysayan ng Racing Game

Ang mga driving at racing video game ay kumakatawan sa isa sa mga una at pinakasikat na mga game genre sa buong panahon. Ang kasaysayan ng genre ay nagsimula sa mga gaming machine na unti-unting nalipat sa mga console at PC. Ang ilang mga tao ay iniisip na ang mga laro sa genre na ito ay walang kakaiba maliban sa driving cars, motorcycles, at riding a bicycle. Gayunpaman, kung sasalisikin ng maigi ang kasaysayan ng genre, matutuklasan natin ang hindi kapani-paniwalang pag-unlad at unti-unting pagpapatupad ng maraming mga kagiliw-giliw na mga innovation.

Ang Grand Prix na isang electro-mechanical arcade na ginawa ng Sega ay nilabas ng nung 1969. Gumamit ito ng mga semi-transparent film at isang rear-facing light para mailawan ang eksena. Tampok nito ang isang manibela na pwedeng mag kontrol ng kotse. May gas pedal din ito na ginagamit upang mapabilis ang pag-ikot ng mga film na naglalaman ng kalsada at ibang mga kotse. Ang kotse ng player ay babagal kapag malapit na sa ibang mga kotse dahil ang layunin ng laro ay iwasan ang mabanga.

Noong 1980s, ang isa sa pinaka importanteng mga elemento ng mga driving game ay naimbento. Ang mga web developer ay gumawa ng radar. Nagbigay ito ng mini-map na nagpapakita ng kalsada at galaw ng ibang mga player. Ang elementong ito ang nakatulong sa mga player na makita ang direksyon at naging tampok din ito sa ibang mga game genre.

Noong 1990s, ang Nintendo ay nagdisenyo ng bagong driving game subgenre na pinangalanang kart racing. Ang mga larong ito madalas ay may mga iba't ibang mga boost o item upang hadlangan ang mga kalaban na manalo hindi katulad ng mga regular na mga racing game o driving simulator.

Simula nung 2000s, ang mga driving game ay mabilis na nadevelop. Napabuting 3D graphics at mga malaking open world ang nagdala sa genre sa ibang level. Ang mga race ay ginaganap mismo sa mga kalsada na saklaw ng open world at pwede mong gamitin ang pinabagong option na mag teleport agad sa umpisa ng race.

Ang genre na ito sa kasalukuyan ay meron nang iba-ibang mga game type, kabilang dito ang arcade style, simulators, scrollers, pagkontrol ng tanks, helicopters, aircrafts at iba pang mga kakaibang paraan ng transportation. Tiyak na isa itong game genre na patuloy ang active development. Sa hinaharap, magkakaroon kami ng maraming bagong mga racing at driving game feature.

Mga Recommended na Driving at Racing Game