Tulungan natin ang fashionista na magdisenyo ng kakaibang pares ng hikaw at makahanap ng damit na babagay! Mahilig gumawa ng mga bagay-bagay si Ellie at napakacreative niya pagdating sa paggawa ng sarili niyang alahas. Matapos siyang mag-browse sa internet para sa pinakabagong fashion trends, nagpasya siya na kailangan niyang tuklasin ang boho chic trend at para dito, kailangan niya ng kakaibang pares ng hikaw. Tara, maging malikhain tayo at tulungan si Ellie! Mayroon siyang ilang ideya ngunit hindi siya lubos na sigurado kung ano ang magiging hitsura ng kanyang bagong hikaw. Tulungan siyang pumili ng modelo ng hikaw, tulad ng pearl, hoop, o chandelier earring type. Alin ang perpekto para sa isang boho style na look? Kapag napili mo na ang uri, oras na para dekorasyunan ito ng mga bato, fringes o tassel. Silipin mo at tingnan kung anong klase ng pandekorasyong elemento ang magagamit mo. Panghuli, kailangan mong tulungan si Ellie na makahanap ng perpektong damit na babagay sa kanyang bagong hikaw. Sana ay magsaya ka sa paglalaro!