Basketbol na Laro

Maglaro ng Larong Basketbol sa Y8.com. Sikat na sina Michael Jordan at ang Chicago Bulls. Panahon na para ikaw naman ang sumikat sa larangan ng basketbol.
Ayusin ayon sa:

Ang Kasaysayan ng Basketball at mga Basketball Video Game

Sa huling bahagi ng 1800s, isang Canadian American na physical education instructor na nagngangalang James Naismith ay nag-imbento ng larong basketball. Ang kanyang ideya ay pagsamahin ang isang kahoy na basket at isang bola upang makagawa ng isang mas ligtas na sport kaysa sa American football. Ang pagkalat ng Basketball ay diumano dahil sa puwersang militar ng Estados Unidos at ang paglaganap ng World War I noong 1914. Nang maglaon, ang sport ay mabilis na naitatag sa mga kolehiyo sa paligid ng North America. Ang National Basketball Association (NBA) ay nabuo noong 1946 habang nagsimula ang laro bilang isang propesyonal na isport.

Sa panahon ng 1979, kung kelan ang mga videogame ay nagsisimula nang lumago ng mabilis, dalawang classic arcade basketball game ang inilabas. Ang una ay simpleng pinamagatang "Basketball" at ito ang unang arcade cabinet game na gumamit ng trackball para sa paggalaw ng player. Nagtampok ito ng one player mode at ng two players mode. Ito din ang nagpauso sa tilted screen na naging pangkaraniwan lang sa arcade. Ang pangalawang sikat na arcade game noong oras na iyon ay tinawag na Hoop Fever, mayroon itong stationary hoop na naglalabas ng bola para sa mga player para mag-attempt tumira. Ang goal nito ay makagawa ng maraming shot bago maubos ang oras at may tutunog na buzzer para malaman na tapos na ang game. Ang mga arcade machine ay pwede pagkunektahin para maging multiplayer.

Mga Recommended Game