PAGTAKAS NA LARO

Maglaro ng Larong Pagtakas sa Y8.com. Ang pinakamasarap na pakiramdam matapos mahuli o habuli ay ang kalayaan matapos mong makapatakas. Mamili at maglaro mula sa malaking koleksyon ng mga larong pagtakas sa Y8.

Nais mo bang patalasin ang iyong intuwisyon? Ang Y8 ay may maraming kamangha-manghang mga pagsasanay para sa iyo: pumili ng escape game at subukang malutas ang lahat ng mga problema upang makahanap ng paraan para makatakas sa magulong sitwasyon.

Ang layunin ng mga ganitong uri ng laro ay upang makatakas mula sa ilang lugar tulad ng isang silid o isang sasakyan. Meron kang magagamit na mga partikular na bagay na maaaring maging kapaki-pakinabang sa paghahanap mo ng paraan. Gayunpaman, hindi lahat ay aayon sa iyong gusto dahil kailangan mong gamitin ang iyong talino at talas ng utak upang maunawaan kung paano makakatulong ang mga bagay sa iyong pagtakas mula sa bitag.

May alam ka ba sa kasaysayan ng mga escape video game? Narito ang ilang mga katotohanan na natuklasan namin para sa iyo. Ilang dekada ang nakaraan nang matutunan ng mundo ang tungkol sa point and click games. Nung 1983, ang Planet Mephius game na dinisenyo ni Eiji Yokoyama, ay inilabas ng T&E Soft. Ang layunin ng larong ito ay makapag-interact sa iba't ibang mga bagay gamit ang cursor. Ang larong ito ay itinuring na prototype ng mga modernong escape video game.

Nung 1988, isang text-based game ang nai-publish nang walang nakaalam. Ang pangunahing character ng laro ay ang Balrog na nakakulong sa outhouse. Nabanggit na ito ang pinakaunang escape game.

Kasunod ng mga naunang escape game, ang Mystery of Time and Space ay nai-publish nung 2001 at nakatulong sa pagpapakilala ng mga escape game. Ang pangunahing layunin ng player ay tumakas sa kwarto gamit ang mga object at clue.

Mula pa nung 2004, ang mga bagong escape game ay nilalabas taon-taon. Ang ilang halimbawa ay ang: Crimson Room (2004) at Viridian Room (2004), A Gunshot in Room 37 (2006), Cottage (2008), Bars of Black and White (2009), Dasshutsu Game series, Appli Archives collections at iba pa. Lahat ng mga larong ito ay sobrang sikat, at nahumaling ang mga player sa adventure para mag solve ng puzzles.

Mga Recommended Escape Game