Side Scrolling

Mag-scroll sa mga side-scrolling na pakikipagsapalaran sa mga Side Scrolling na laro sa Y8!

Tumakbo, tumalon, at mag-explore sa klasikong side-scrolling na estilo.

Mga Side Scrolling Game

Ang side-scrolling ay isang game genre kung saan ang mga player ay nakikita ang mundo ng game mula sa gilid at makikita lang ang ibang lugar kapag naabot na ng player ang dulo ng screen. Sa paglabas ng mga bagong game console, dumami din ang memory na puwedeng magamit ng mga game developer at nagbigay ito ng daan upang makagawa sila ng mas malalaking mundo para sa mga player. Mas karaniwang makakita ng mga pahalang na side-scrolling katulad ng nasa Super Mario Bros (1985) para sa NES. Gayunpaman, ang ilang mga racing at mga shooter game ay gumagamit ng patayong scrolling. Bago ang mga side-scrolling game, ang mga mundo sa game ay ipinapakita lamang ng paisa-isa sa screen katulad sa mga board game. Gayunpaman, ang ilan sa mga lumang arcade game ay gumamit ng mga reel para lumikha ng katumbas na effect pero gamit lamang ang analog na teknolohiya. Ngayon, ang 3D ay gumagamit ng bagong mga tricks at ang side-scrolling ay hindi lang ang taning paraan upang magkaroon ng malawak na mga virtual world. Pero, nananatili paring sikat ang side-scrolling game genre dahil sa angkin nitong retro nostalgia at simpleng mechanics.

Mga Related Genre
Mga Top na Side Scrolling Game