Nangungunang Mga Libreng Online na Video na na-tagSpiderman na Laro

Maglaro ng mga Spiderman game sa Y8.com. Mag-enjoy sa pag-swing mula sa isang gusali patungo sa isa pang gusali gamit ang sapot na lumalabas sa inyong mga kamay. Hanapin ang mga kriminal at huliin sila para sa mga kurakot na pulis. Ikaw ba ay hihiranging bayani, vigilante, o kriminal? Mag-enjoy sa pinaka-nakamamanghang laro sa internet, dito lang yan sa Y8 Games.

Ayusin ayon sa:

Ang bilang ng mga superhero ay patuloy na dumadami pero hindi sila mailap at kasing liksi ni Spider-Man.

Noong 1962 nalaman ng buong mundo ang storya tungkol kay Peter Parker, ang totoong pangalan ni Spider-Man, nung nai-publish ito sa Amazing Fantasy comic book. Ang character ay nanalo sa puso ng mga comic book reader.

Ang unang opisyal na Spider-Man video game ay nilabas noong 1982. Ginawa ito para sa Atari 2600 platform. Ang pangunahing layunin ng character ay makapunta sa taas ng skyscraper, iligtas ang mga hostage at magdefuse ng bombs papunta sa taas.

Nung 1984, si Spider-Man ay nakita sa isang episode ng Questprobe trilogy, na pinangalanang Questprobe featureing Spider-Man. Ang laro na nai-publish ng Adventure International at sinuportahan ng maraming mga platform tulad ng DOS at Spectrum.

Nangyari ang paglago ng mga Spider-Man game nung 1990s. Ang mga video game fan ay maaaring mag-enjoy sa mga nailabas na fighting, beat ’em up, action na kasama ang kanilang paboritong superhero na may pinabuting graphics at bagong mga plot twist. Ang mga Spider-Man game ay naa-access ng mga gumagamit ng Nintendo Game Boy, iba't-ibang mga Sega console, PC at iba pang mga platform.

Ang paglipat ng millenium ay ikinatuwa ng mga Spider-Man fan dahil sa mga bagong mga Spider-Man game. Si Peter Parker ay ginamit sa mga action game, arcades, at mga educational program para sa mga bata. Ang mga ito ay sinuportahan ng iba't ibang mga platform kasama ang mga higante tulad ng Xbox at PlayStation.

Sa kasalukuyan, si Spider-Man ay patuloy ang pagsikat at siya ay mananatiling isa sa pinaka kahanga-hanga at kilalang mga superhero.

Mga Recommended na Spider-Man game