Survival Horror na Laro - Pahina 3

Hinahandog ng Y8 ang napakaraming larong Survival horror kung saan ang manlalaro ay nasa isang mahirap na kalagayan na may kaunti at mahalagang pag-aari para matalo ang mga kalaban, mga palaisipan at mga antas ng laro mismo. Ang mga larong ito ay nilalabas ang ating mga takot at binibigyan tayo ng pakiramdam na hindi naman natin nararamdaman sa totoong mundo – buti, hindi madalas.

Mga Survival Horror Game

Ang survival horror ay isang genre ng mga computer game na naka focus sa survival ng game character at sa atmosphere of fear na katulad ng mga nakakatakot na eksena sa mga horror film. Marahil ang pinaka kakaibang tampok ng genre na ito ay karamihan ng mga horror game ay nangyayari sa dilim. Iba-iba man ang game mechanics nito, ang mga shooter at zombies ay ang madalas na ginagamit na mga elemento ng survival horror dahil bagay ito dito. Ang mga game na ito ay nauugnay sa action games, lalo na sa third-person shooters.

Bagaman ang gameplay ng mga larong ito ay madalas kasama ang paglaban sa mga kalaban, katulad ng karamihan ng mga action game, tipikal na ang player ay wala masyadong magiging control sa sitwasyon sa loob ng laro na binubuo ng mga iba't-ibang limitasyon tulad ng kakulangan sa bala, mababang level ng buhay, bilis ng galaw, kakayahang makakita, at pati narin ang iba't-ibang mga hadlang. Ang mga aksyon sa game ay madalas nangyayari sa mga nakakatakot na bahay at mga abandonadong lungsod na madalas ay nagiging maze upang gumawa ng nararapat na atmosphere. Marahil ang mga pinaka nakakatakot na mga game ay gumagamit ng elemento ng stealth, kung saan ang layunin ay mahuli ang kalaban habang o tumakas nang hindi ka nakikita.

Kalimitan na ang mga survival horror game ay may kasamang mga iba't-ibang mga elemento na kayang magbigay ng takot sa iba't-ibang paraan. Gayunpaman, ang pinaka tanyag na kinatawan ng genre na ito ay mga classic game series tulad ng Resident Evil at Silent Hill na nilabas nung dulo ng 1990s at dine-develop parin hanggang ngayon. Sumugal at tingnan ang aming mga horror game para maranasan mo ang pinaka nakakatakot na emosyon!

Mga Recommended na Survival Horror Game