icon-category

Mga Larong Barilan Online para sa Eksplosibong Kasiyahan - Halina't Maglaro

Maglaro ng mga larong barilan sa Y8.com. Sanayin ang iyong mga kasanayan sa pagbaril at pagbutihin ang iyong layunin sa pamamagitan ng paglalaro ng mga larong ito sa pagbaril. Makaranas ng maraming iba't ibang baril kabilang ang mga sniper rifles, hand gun, assault rifles, revolver, at sub machine gun tulad ng Uzi weapon. Maraming mga larong nauugnay sa baril sa kategorya ng pagbaril ng Y8.

Marami pa

Pagpapaliwanag sa mga Shooting Game

Ang shooter ay isang uri ng video game na tampok ang mga firearm o projectile. Ang mga shooter ay unti-unting naging mas flexible sa mga posibilidad na magagamit sa mga virtual world para sa mas nakaka-engganyong mga laro. Ang uri ng laro na ito ay gumawa ng ilang mga subgenre na nagbago mismo sa genre kung saan hindi ka lang pwede bumaril pero makakapag-manaho ka pa ng sasakyan. Bilang isang patakaran, ang bawat shooter ay merong dalawang pangunahing tampok. Ang una ay ang abilidad na makagamit ng armas. Pangalawa ay merong ilang uri ng galaw. Alinman mula sa player o ang mga bagay na maaaring mabaril. Ang gameplay ay karaniwang linear o predictable dahil ang bawat round ay magkakatulad. Sa ilang mga kaso, ang mga developer ay magdagdag ng mga bagong elemento upang mag-iba ang ilang mga bagay. Halimbawa, ang mga kalaban ay maaaring mag-iba ang kilos o bagong mga armas ang pwedeng magamit. Gayundin, ang mga Easter egg o mga ilang sikreto sa laro ang nagdadagdag ng replayability sa mga laro ng shooter genre.

Mga Shooting Subgenre

Ang mga first-person shooting game ay binibigyan ang player ng perspective ng character sa pamamagitan ng pagkita nito sa paligid sa mata ng character. Madalas ay makitid ang field of view at binibigyang diin ang aiming. Ang third-person game naman, ang player ay nakikita ang character mula sa likod. Ito ay may mas malawak na field of view at binibigyang diin ang kapaligiran higit pa sa aiming ability. Tingnan ang mga stealth games para sa halimbawa.

Kasaysayan ng Shooting Game

Ang Maze War (1973) ay isa sa pinaka-unang mga shooting game. Ang larong ito ay tinukoy ang mga pangunahing tampok ng genre kahit na limitado lang ang functionality nito. Paglipas ng mga taon, ang genre na ito ay nadevelop na gumamit ng mas kumplikadong mga graphics katulad ng Doom (1993) at Half-life (1998). Ang mga shooting game na ito ay naging maalamat at nakatulong sa pag define ng mga nakikitang tampok sa kategorya ng mga larong ito ngayon.

Sa umpisa, ang mga shooter ay dinevelop bilang mga one player game pero ngayon, ito ang pinakasikat na genre ng mga multiplayer games.

Mga Recommended Shooting Game