Ngayon ang pinakapaborito mong araw sa buong taon. Kaarawan mo! Hinihintay mo na ang araw na ito simula pa noong nakaraang taon, at sobrang excited ka kaya hindi ka makapag-focus sa kahit anong bagay ngayon. Inimbita mo ang lahat ng iyong kaibigan para sa isang birthday party, at alam mong kailangang maging talagang perpekto ang lahat ngayong araw. Gusto mo talagang magmukhang napakaganda para mamangha ang lahat ng iyong kaibigan pagkakita nila sa iyo. Nagpasya ka na ang pinakamagandang paraan para makapaghanda, bilang birthday girl, ay sa pamamagitan ng isang kamangha-manghang makeover. Magsisimula ang makeover na ito sa isang napakagandang facial treatment kung saan ay ipa-pamper mo ang iyong sarili gamit ang pinakamagagandang beauty products na available sa merkado at binili mo lalo na para sa araw na ito. Kapag natapos mo na ang facial treatment, dadating ka na sa talagang masayang bahagi kung saan ay paghahalu-haluin at pagtatapat-tapatin mo ang lahat ng iyong masayang damit mula sa iyong wardrobe hanggang sa makagawa ka ng perpektong birthday girl outfit. Pumili ng isa sa mga napakagandang hairstyle na inihanda namin para sa iyo, maglagay ng kaunting makeup, at kumpleto na ang iyong makeover. Mag-enjoy sa pag-pamper sa iyong sarili sa kapana-panabik na facial beauty game na ito na tinatawag na Birthday Girl Makeover!