Si Ellie ay palaging mahilig sa mga kwentong engkanto, simula pa noong bata pa siya. Ang kanyang ina ay laging bumibili para sa kanya ng pinakamagagandang damit, at iyan mismo ang dahilan kung bakit siya nagpasya na magkaroon ng pinakakahanga-hangang birthday party sa lahat! Siyempre pa, inimbitahan niya ang lahat ng kanyang mga kaibigan upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Para mas masaya pa, ang paborito nating manika, si Ellie, ay nagpasya na maging isang napakagandang Flower fairy. Sa aming kamangha-manghang bagong dress up game na Ellie Fairies Ball, magkakaroon ka ng kakaibang pagkakataon para tulungan si Ellie na magbihis at mag-ayos para sa okasyon. Magugulat ka sa dami at ganda ng mga damit, props, at lahat ng accessories sa party, kaya madali mo siyang mahahanapan ng outfit! Kapag nakapili na si Ellie ng isusuot, ikaw naman ang magme-make-up sa kanya. Sa Ellie Fairies Ball, napakaraming nakakatuwang kulay na mapagpipilian mo, kaya mabilis na matatapos ang make-up ni Ellie. Mag-enjoy nang husto sa paglalaro ng Ellie Fairies Ball!