Mga detalye ng laro
Ang cute na mga jelly monster ay nagbabalik sa Jelly Madness 2. Mas cute na graphics at bagong 125 na level ang puwedeng kumpletuhin. Magiging isang masayang pakikipagsapalaran ang pagtutugma ng mga nakakatuwang mga jelly. Meron itong mga layunin sa bawat level na kailangan mong matapos para makapunta sa susunod na level. Ikaw ay bibigyan ng limitadong bilang na mga galaw kaya ingatan ang paggamit nito. Tandaan na kapag napagtugma mo ang 4 o higit pang mga jelly, pwede mong ma-unlock ang mga espesyal na mga jelly na may iba't-ibang mga epekto na makakatulong sa iyo sa laro. Merong 4 na espesyal na button sa kanang bahagi ng iyong screen na makakatulong sa iyo sa pagtapos ng objective. Ang mga espesyal na button na ito ay ang +5 (madadagdagan ka ng lima pang galaw), ang makulay na bomba (papasabugin nito ang mga jelly na may parehas na kulay), ang multi color jelly (ang jelly na ito ay puwedeng itugma sa kahit anong jelly) at ang hammer (sisirain nito ang jelly na iyong ita-tap). Simulan na ang matching ngayon at paputukin ang mga cute na mga jelly isa isa.
Mag-explore pa ng higit pang games sa aming HTML5 games section at tuklasin ang mga patok na pamagat tulad ng Design My Knitted Waistcoat, Winter Fairy Fashion Show, Twins Sun & Moon Dressup, at Evermatch — lahat ay maaaring laruin agad sa Y8 Games.