Ang Match 20 Challenge ay isang libre at makulay na puzzle game ng mga number block. Ang layunin ay ang pagpares-paresin ang magkakatulad na number block. Pulutin ang mga tile at ihulog ang mga ito sa mga tile na may parehong numero. Pagsamahin ang magkakaparehong number block at huwag hayaang magpatung-patong ang mga ito. Madali lang itong matutunan ng kahit sino, ngunit kailangan mong mag-concentrate para makarating sa dulo. Kaya mo bang umabot sa Dalawampu? Masiyahan sa paglalaro ng larong ito dito sa Y8.com!