Heath Burns ay kilala sa Monster High School bilang The Hot Boy. At may magandang dahilan dahil ang buhok niya ay nagliliyab kapag siya ay nasasabik sa isang bagay, at bumabahing din siya ng apoy. Siya ang pinsan ni Jackson Jekyll. Si Heath ay naglalaro sa Monster High track team at ang kanyang matatalik na kaibigan ay sina Clawd Wolf, Deuce Gorgon, at Slo Moe. Nagka-crush si Draculaura sa kanya nang matagal-tagal din, ngunit hindi ito nagtagal dahil napagdesisyunan niya na labis itong mayabang. Madalas din siyang lumandi kay Frankie Stein ngunit hindi rin ito interesado sa kanya.