Lubos silang natuwa nang matanggap ang imbitasyon para sa natatangi at kahanga-hangang sayawan na ito. Ngunit ano kaya ang kanilang isusuot? Ngayon, ito ay isang sadyang mahirap na katanungan. Kailangan nila ng isang mala-pantasyang hitsura at ayos ng buhok. Ang Ice Princess ay gustong magmukhang isang mandirigmang nimpa o reyna ng mga duwende, at ang Island Princess naman ay naghahanap ng oriental na hitsura. Una, kailangan mong bigyan sila ng bagong ayos ng buhok at mayroong ilang mala-pantasyang modelo ng ayos ng buhok kung saan ka makakapili. Kailangan mo ring kulayan ang kanilang buhok sa mga kulay tulad ng asul, berde, o ombre. Pumili rin ng aksesorya sa buhok at pumunta sa bahagi ng pagbibihis ng laro, kung saan ka makakapili ng damit. Makakahanap ka ng napakaraming mala-engkatada at mala-pantasyang damit sa aparador, kaya piliin ang pinakamaganda para sa bawat prinsesa.