Ang larong ito ay tampok ang malawak na hanay ng mga Mapa at Sandata upang masigurado ang mahabang gaming experience.
Mga bagong sandata at gamit ay puwedeng mabili gamit ang Cash, ito ang pangalan ng pera sa loob ng laro.
Ang XP naman ay katumbas ng Experience Points, na makukuha habang ikaw ay naglalaro (TANDAAN: Upang makakuha ng XP, ikaw ay dapat naka rehistro at naka log in).
Ang XP ay makukuha habang naglalaro at katumbas din nito ang makukuhang Cash, pero hindi katulad ng Cash, ang XP ay hindi puwedeng gastusin, ito ay magagamit lamang upang tumaas ang iyong antas.
Puwede mong makita ang iyong Cash at XP sa pagbisita sa iyong profile page.
Ngayon, mayroon nang iba't-ibang mga paraan upang makakuha ng Cash:
- Sa paglalaro at pag-ani ng XP
- Sa pagbebenta ng mga weapon skins
- Sa pagbili ng Cash gamit ang totoong pera
Para ibahin ang mga game Control at iba pang mga Setting pindutin ang Options.