Lemmings na Laro

Maglaro ng Larong Lemmings sa Y8.com. Kahit sino ay gusto ang walang-utak na paabenteng martsa ng mga maliliit na nilalang na nagsasakripisyo ng kanilang buhay para sa ikabubuti ng ibang lemming. Nakapag-ensayo para gumawa lamang ng isang bagay para mailigtas ang karamihan at mawala ang kaunti. Kaya mo ba iyon?
Ayusin ayon sa:

Mga Lemmings Game

Ang Lemmings ay isang 1991 puzzle game na nilabas para sa naunang mga personal computer na tinawag na Commodore Amiga. Ang game na ito ay isa sa pinakamabentang mga game sa buong panahon at nailipat din sa iba't-ibang mga platform tulad ng naunang mga Macintosh computer. Marami itong mga naging sequel, remake, at spin-off na ginawa ang Lemmings bilang isang malaking game development franchise.

Ang pangunahing layunin ng larong ito ay ang gabayan ang ilang bilang ng mga lemming sa labasan. Ang mga lemming ay maliliit na hayop na patuloy lang na dumidiretso kahit ano pang panganib ang nasa harap nila. Ang tungkulin ng player ay utusan ang bawat lemming na may abilidad na hindi lalapas sa walo tulad ng: paghukay ng tunnel, papuntahin ang mga lemming sa ibang direksyon, at iba pa. Kung walang kahit anong utos, ang mga lemming ay didiretso lamang na walang iniinda kahit mahulog pa sila sa bangin. Ang mga lemmings game ay nahahati sa mga level na magkakasama sa 4 na grupo depende sa difficulty nito. Sa pagtaas ng difficulty ng mga level, magkakaroon ng mga bagong obscatcle sa tanawin, tulad ng mga nahuhulog na bato, matataas na pader, at lawa na puno ng lava. Ang mga lemming ay mamamatay kapag nahulog sila sa mataas na lugar, kaya kailangan nilang magtulungan para sa kaligtasan ng grupo.