Tetris - Pahina 4

Subukan ang iyong Tetris skills at magsalansan ng mga blocks sa mga Tetris na laro sa Y8!

Ayusin ang mga bumabagsak na bloke, linisin ang mga linya, at kamtin ang mataas na iskor sa klasikong aksyon ng Tetris.

Ayusin ayon sa:
Mga Tetris Game

Ang Tetris ay isang computer game na orihinal na naimbento at binuo ng Soviet programmer na si Alexey Pajitnov nung 1984. Ang Tetris ay puzzle based at gumagamit ng geometric tiles na tinatawag na tetromino at binubuo ng apat na square. ang mga hugis na nakikita sa tetris ay matagal nang ginagamit sa iba't-ibang mga board games at mga puzzle bago pa nabuo ang tetris. sa paglipas ng panahon, ang game ay nakakuha ng malawak na katanyagan hanggang sa ginawa na rin ito sa maraming unang mga computer system, game consoles, graphic calculators, mobile phones, media players, at pati narin sa mga TV set. Ang Tetris ay nanatiling isa sa mga best selling game at kumakatawan ito sa mga game nung panahon ng arcade.

Paano Maglaro ng Tetris?

Ang gameplay ng Tetris ay madaling matutunan. Isa sa pitong posibleng random na hugis ay babagsak mula sa taas ng field na may lapad na 10 cells at 20 cells ang taas. Habang bumabagsak ang isang hugis, puwedeng itong paikutin ang galawin ng player sa pahalang na direksyon. Ang hugis ay babagsak hanggang sa dumikit ito sa sa isa pang block sa ibaba ng field. Kapag ang pahalang na hilera ng 10 cells ay napuno, mawawala ito at ang player ay magkakaroon ng points. Para maging mas madali sa mga player na magplano ng susunod nilang aksyon, ang susunod na mahuhulog na figure ay ipapakita sa gilid. Ang bilis ng game ay unti-unting madadagdagan at matatapos ang game kapag ang bagong figure ay hindi na puwedeng mailagay sa field.

Mga Recommended na Tetris Game
Kami ay gumagamit ng cookies para sa mga rekomendasyon ng content, pagsukat ng traffic, at mga personalized ads. Sa pag-gamit ng website na ito, ikaw ay pumapayag sa at .
Kumpirmasyon ng Account