Tower Defense na Laro - Pahina 2

Maglaro ng mga tower defense game sa Y8.com. Ilagay ang iyong mga tore at hintayin ang mga creep na dumaan sa iyong landas. Patuloy na mag-upgrade ng mga tore upang pigilan ang mga kalaban na makatawid sa iyong stronghold. Ang mga Tower defense game ay nag-aalok ng mga natatanging larong estratehiya na madalas ay ginagamitan ng maraming upgrade. Maglaro ng mga TD game sa Y8.
Ayusin ayon sa:

Mga Tower Defense Game

Ang Tower defense (TD) ay isang sikat na subgenre ng real-time strategy games. Ang pangunahing layunin ng mga game na ito ay patayin ang mga parating na kalabang creeps at pigilan silang umabot sa isang lugar sa mapa na parang pasukan ng iyong base. Para magawa mo ito, kailangan mong bumuo ng mga tower na aatake sa mga kalaban. Ang bawat tower ay mayroong kanya-kanyang trait na gagawin itong mas mahusay sa pagdepensa sa bawat atake ng kalaban. Ilagay mo ang tower sa tamang puwesto at maingat na gamitin ang resources para matalo mo ang mga sumasalakay na mga kalaban.

Ang bawat kalaban na mamatay ay magbibigay ng reward na madalas ay pera. Ang mga tower ay limitado din sa kanilang kakayahan at presyo. Ang proseso ng pagpatay ng creeps ay depende sa kung pano ka mag-upgrade ng mga tower para makatagal ito sa mas malakas na wave ng mga kalaban. Ang mga mapa ay madalas ay mukhang maze-like, at sa gilid ng mga daanan ay ang lugar kung saan ka puwede maglagay ng tower. Sa ibang mga tower defense game, ang player ay kailangang bumuo ng tower maze para mapabagal ang sumasalakay na mga kalaban.

Sa una, ang tower defense ay hindi isang hiwalay na uri ng game. Ang arcade game na Rampart (1990) ay itinuring na isa sa pinakaunang mga game sa uri ng genre na ito. Kinamamayaan, ang tower defense ay nagsimulang maging isang hiwalay na genre samalat sa mga strategy game na Warcraft at Starcraft. Ang mga game na ito ay ang naging daan para sa maraming mga tower defense map na ginawa sa map editor. Isang natatanging tower defense game ay ang Master of Defense (2005), na umani ng hindi kapani-paniwalang kasikatan at tumanggap ng parangal bilang strategy game of the year. Nung 2007, isang game na pinangalanang Flash Element TD ang nagsimula ng pagdami ng tower defense nung kaagahan ng ika-21 na siglo.

Mga Recommended na Tower Defense Game