icon-category

Mga Arcade at Classic Game - Pahina 2 🕹

Laruin ang pinakamagandang koleksyon ng mga larong Arcade at Klasiko kasama na ang mga larong bomberman, tetris at arkanoid, lemmings at asteroid, space invaders at mga larong retro na libre online sa Y8.com

Ang arcade ay isang game genre na pwedeng ituring na pangunahing genre ng mga video game. Ito ang nagsimula sa pagdevelop ng isa sa mga paborito nating libangan, ang paglalaro ng mga video game. Hindi mapagkakaila na ang karamihan ng mga classic at mga retro game title ang kumakatawan sa genre na ito. Ang kasaysayan ng mga arcade cabinet ay nagsimula sa mga malalaking gaming machine na sumikat noong katapusan ng 1970s, hanggang kalagitnaan ng 1980s. Ang biglang pagdami ng mga arcade machine ang nagsimula ng industriya ng video game. Madaming mga sikat na video game ay unang na deveop para sa mga physical gaming machine at kalaunan ay ang ibang mga genre ay inadapt sa mga console at PC.

Ang mga naunang sumikat na arade game ay ang Computer Space (1971), Asteroids (1979), at Battlezone (1980) na base sa vector graphics na ang ibig sabihin ay ang image ay binubuo ng mga linya. Sa paglipas ng mga taon ito ay napalitan ng raster graphics na gumamit ng grid of pixels (points of color). Ito ay nagresulta sa paglabas ng mga laro tulad ng Pac-Man (1980) at Donkey Kong (1981) kung saan ang mga character ay naging iconic.

Ang development ng mga browser game na base sa mga arcade game ay dahil sa development ng Flash Player technology. Dahil dito, malaking bilang ng mga flash games ang nailabas. Karamihan ng mga arcade machine ay tampok ang mga ito.

  • Single display
  • Walang katapusang game progress
  • Multiple lives
  • High scores
  • Mabilis na tutorial at simpleng mga game control
  • Limitadong storyline

Dahil sa iba't-ibang mga espesyal na tampok ng genre na ito, nahati ito sa mga subgenre. Sa kasalukuyan, ang pinakasikat na mga arcade subgenre ay ang mga scrollers, platforms, fightings at ang pinasimpleng bersyon ng racing.

Recommended na mga Arcade at Classic Game