ISTRATEHIYA AT RPG NA LARO

Maglaro ng Istratehiya at RPG na laro online tulad ng tower defense na laro, mmo's, aksyon na rpg, turn-based na laro, chess na laro, role playing na laro dito lang sa Y8.com.

Ang kasaysayan ng genre ng strategy video game ay nagsimula sa panahon nang na-imbento ang PC. Sa kasalukuyan, ang mga mga strategy genre ay hindi ganun kasikat tulad ng mga ibang genre ng laro. Gayunpaman, sila ay karapat-dapat mabigyan ng espesyal na pansin ng milyong mga gamer sa buong mundo.

Ang konsepto ng mga strategy video game ay base sa board games, lalo na sa mga logic game tulad ng chess, go at renju. Sa gayon, nung gumawa ang mga developer ng ganitong mga laro sa mga PC at console, ang gameplay ay mas naging kilala.

Ang tagumpay ng mga microcomputer ng TRS-80 o mga Apple II type ay naging inspirasyon ng mga programmer para ituloy ang adaptation ng mga board game. Ang initiative ay kinuha ng Strategic Simulations Inc. Ang kumpanyang ito ang nagsimula sa development ng maraming mga strategy at RPG game.

Ang kategoryang ito ay merong mga sub genre na higit pang pinarami ang mga klase ng mga strategy game. Ang mga pinakasikat ay ang real-time strategy games at turn-based strategy games.

Kinakailangang mong malaman na may sobrang powerful artificial intelligence ang dinedevelop para laruin ang ganitong klase ng mga game at minsan ay imposibleng matalo ang mga bagong superhuman Ai player. Sa ngayon, karaniwan ng mga non-player controlled character ay madali paring matalo, paglipas ng panahon malamang ito ay magbago. Sa anumang kaso, masaya parin maglaro ng multiplayer games kalaban ang mga totoong tao.

Ang RPG genre na katulad ng mga strategy game ay nanggaling sa mga board game. Ang kombinasyon ng mga strategy sa RPG ay isa sa mga pinaka matagumpay na mga video game hybrid na nagbigay ng daan para ilabas ang sikat at walang kamatayang series ng Heroes of Might and Magic.

Sigurado na ang mga RPG game ay isa sa pinaka nilalarong genre. Ang Dungeons & Dragons (1974), isang kilalang fantasy board game, ang gumawa ng pinakamalaking epekto sa paglikha ng RPG. Ang mga gamer ay sobrang gusto ang genre na ito dahil sa role and fighting system nito at dahil rin sa mga in-game research at pati narin sa storya.

Ang pinaka kilalang mga klase ng RPG ay narrative RPG, sandbox RPG at dungeon crawler games. Ang mga game sa genre na ito na kilalang-kilala sa buong mundo ay ang Mass Effect, Fallout at Diablo series. Isa pang kilalang klase ng RPG ay ang JRPG na halos naging hiwalay na genre dahil sa dami ng mga bagong feature nito.

Mga Recommended Strategy at RPG Game