Ang EvoWars.io ay isang masayang multiplayer action .io game. Magsisimula ang character mo bilang isang caveman at bawat oras na mag level up ka, ang character mo ay magbabago at ang mga sandata at mga skill mo ay mas magiging mabuti. Pwede kang mag level up sa pangongolekta ng mga bilog na energy o sa pagpatay ng ibang player. Sa larong ito, hindi baleng mas malaki ang iyong kalaban dahil mas importante ay kung gaano mo sila kabilis gamitan ng iyong sandata. Lagi mong tandaan, kung mas malaki ang iyong kalaban, mas malawak ang lugar na tatamaan ng kanilang atake kaya mag-ingat ka sa paglapit mo sa kanila. Kung nakita mo ang sarili mo na malapit sa mga nakakatakot na kalaban, pwede mong gamitin ang iyong speed boost para umalis agad sa lugar na yun, pero ito ay makakabawas sa kasulukuyan mong xp kaya gamitin ito ng mabuti. Merong 25 na level at ebolusyon na pwede i-unlock. Kaya maglaro na ng EvoWars.io - Lumaban! Pumatay! Mag-evolve!
Kami ay gumagamit ng cookies para sa mga rekomendasyon ng content, pagsukat ng traffic, at mga personalized ads. Sa pag-gamit ng website na ito, ikaw ay pumapayag sa at .