IO NA LARO

Maglaro ng mga io game sa Y8.com. Ang ito ay mga multiplayer game na madaling matutunan at sobrang nakakaaliw na siguradong mahihirapan kang bitawan ito. Subukan mong laruin at tingnan kung gaano katagal mo kayang mabuhay. Ang Y8 Games ay may lumalaking koleksyong ng mga io game na pwedeng laruin ng ligtas sa browser.
Ayusin ayon sa:

Ano ang mga io Game?

Ang mga .io game ay medyo bagong game subgenre. Gayunpaman, ang isang magandang katangian nito ay madali siyang matutunan. Isang madaling matutunan na online multiplayer game. Hindi katulad ng ibang mga multiplayer game, ang game type na ito ay pinahahalagahan ang pagiging simple at ang mga masasayang mechanic higit pa sa iba. Ang ibig sabihin nito ay simple lang ang graphics at pwedeng laruin sa browser kaya hindi mo kailangang matakot sa mga virus dito sa io game selection ng Y8. Sa madaling salita, ang mga io game ay mga casual mutliplayer action game na madaling matutunan.

Ano ang ibig sabihin ng io sa mga io game?

Ang io ay nagmula sa salitang Indian Ocean, at katulad lang ito ng .com sa isang domain ending o top-level domain. Ang ibig sabihin nito ay ang mga malalaking io game ay may mga sariling website. Sikat ang io domain, lalo na sa mga tech company dahil ang iba pang kahulugan ng I/O ay Input/Output na ang ibig sabihin ay dumadaloy ang data sa parehong direksyon. Sa paglalarawan na iyon, ang I/O ay katulad ng multiplayer.

Habang ang karamihan sa mga io game ay maaabot ng direkta sa ilang web address, may mga iilan na hindi. Ang ibang mga laro ay maaring gumamit ng mga subdomain katulad ng banjopanda.y8.com. Ang ibang posibilidad ay ang pag-gamit ng .game. Posible din na ang ibang mga laro ay hindi maabot ng direkta sa isang domain at pwedeng kumonekta sa isang remote server habang sinusuportahan ng isang publisher ang aktwal na game files.

Mga best na io game

Happy Snakes - Masayang panimula sa io game na may mahusay na device support.
Slither io - Pinakaunang nakilalang io game.
Snow Battle io - Masayang io shooter game.