Unti-unting dinadalaw si Tabby ng hindi mapakaling tulog habang pinakikinggan ang lumalangitngit na sahig ng Bahay. Sa pagdating ng hatinggabi, pumilipit ang Bahay at bumukas. Sumambulat mula sa mga anino ang iba't ibang uri ng nilalang. Gayunpaman, hindi lahat ng nananatili sa dilim ay masama. Makakaligtas ba si Tabby sa isang gabi nang mag-isa? Habang lumalapit ang matatalim na kuko at nagngangalit na ngipin sa kanya, ninanais ni Tabby na sana ay naroon ang kanyang ama . . .
Mahahanap mo ba ang lahat ng tatlong pagtatapos?!?