Tuklasin ang sinaunang guho ng kabihasnang Mayan habang nadidiskubre ang mga nakatagong kayamanan at di-matatawarang artepakto. Sa kakaibang bagong bersyon na ito ng klasikong matching game, kailangan mong muling ayusin ang mahahalagang relikya para gawing ginto ang mga tile na buhangin. Kapag ang lahat ng tile sa isang puzzle board ay ginto na, panalo ka! Habang mas lumalalim ka sa gubat, makakatagpo ka ng mga puzzle na pahirap nang pahirap, na naglalaman ng mga sikretong twist, isinumpang item, at nakabaong artepakto. Kamitin ang respeto ng iyong kapwa arkeologo at mangolekta ng napakaraming kayamanan at hiyas.