Si Yukiteru Amano, isang malungkot na estudyante sa hayskul, ay gumugugol ng kanyang mga araw sa pagsusulat ng talaarawan sa kanyang cellphone, habang nakikipag-usap sa dalawa niyang tila imahinaryong kaibigan na sina Deus Ex Machina, na siyang diyos ng oras at espasyo, at Murmur, ang tagapaglingkod ng diyos. Sa pagpapakilala niya bilang isang tunay na nilalang, binigyan ni Deus si Yukiteru ng isang "Random Diary," na nagpapakita ng lubhang detalyadong mga tala batay sa hinaharap at pilitin siyang makilahok sa isang madugong battle royale kasama ang 11 iba pang may-ari ng mga talaarawan sa hinaharap na may kaparehong kapangyarihan.