Shine Bright Like A Diamond Makeover

62,147 beses na nalaro
9.3
Salamat, ang boto mo ay nairekord na at malapit ng makita.
Oo
Hindi
Idinagdag sa iyong profile favorites.
Mga detalye ng laro

Hindi ba't napakasarap sa pakiramdam kapag napakaganda mo at tila kumikinang ka na parang diyamante? Aba, gustung-gusto ko 'yan! Ang magandang dilag na makikilala mo sa kapana-panabik na facial beauty game na ito na tinatawag na Shine Bright Like A Diamond Makeover, ay sinimulan nang ihanda ang sarili niya para sa marangyang party na dadaluhan niya ngayong araw. Gusto niyang maging kasingganda ng isang panaginip, kaya naman, ikaw ang aatasang tulungan siyang maghanda. Para magawa 'yan, ire-regaluhan mo ang kaibig-ibig na dilag na ito ng isang napakagandang makeover na magsisimula sa isang marangyang facial treatment kung saan gagamitin mo ang pinaka-eksklusibong pampaganda na makukuha sa merkado. Talagang mamamangha ka sa lahat ng nagniningning na maskara na naglalaman ng purong diyamante na inihanda namin para sa iyo sa kapana-panabik na facial beauty game na ito na tinatawag na Shine Bright Like A Diamond Makeover. Kapag natapos mo na ang facial treatment, ay magpapatuloy ka sa kung saan nagsisimula ang tunay na kasiyahan, iyon ay ang bahagi ng pagbibihis kung saan tutulungan mo ang dilag na ito na pumili ng isang marangyang outfit na isusuot niya. Tulungan ang napakagandang dilag na ito na kumikinang nang maliwanag na parang diyamante sa aming kamangha-mangha at bagong facial beauty game!

Kategorya: Mga Larong Pambabae
Idinagdag sa 20 Hul 2013
Mga Komento