Ang paboritong panahon ni Stella ay ang taglamig. Mahilig siyang maglakad-lakad tuwing nababalutan ng niyebe ang paligid. "Napakagandang tanawin," sa isip niya, "Sayang naman kung palalampasin ito." Ngayon ang perpektong araw para sa kanya upang makapaglakad ng isa sa mga lakad na iyon. Isusuot niya ang isa sa kanyang mga eleganteng pananamit pang-taglamig at lalabas upang tamasahin ang isang mahabang lakad sa niyebe.