RPG na Laro

Play rpg games at y8.com. Enjoy the best collection of rpg related browser games on the internet. This category has a surprising amount of top rpg games that are rewarding to play.
Ayusin ayon sa:

Mga RPG Game

JRPG, Japanese role-playing game, o kilala sa mas simpleng mga RPG game ay isang subgenre ng role-playing games. Kahit may hawig sa pangalan, ang RPG subgenre ay mas maraming elemento sa exploration na may kasamang action-oriented fight mechanics. Maganda din silang mga multiplayer game dahil sa kanilang malalaking open world. Meron din itong natatanging Japanese inspired na istilo. Bagaman ang pinagmulan ng mga RPG game ay galing sa impluwensya ng Japan, ang genre ay naging kilala sa buong mundo. Parehong 2D art na may top-down perspective at mga 3D RPG game na posible lamang dati sa PC gaming at mga console ay sikat.

Karaniwan na ang mga RPG character ay may mga storyline kung saan may mahahalagang nangyari na nauwi sa ibang bagay at napunta sa mga bagong adventure. Ang mga diyalogo ay madalas din na linear at ang player ay hindi makaka-impluwensya sa development ng istorya. Ang mga RPG ay pwedeng magkaroon o hindi ng mga custom character na pwedeng ma-develop. Sa ibang mga kaso, ang bawat character ay merong set skills at mga abilidad. Ang mga RPG ay madalas meron mga quest na kailangang kumpletuhin at mga combat situation. Ang fighting ay pwedeng maging turn-based o hack and slash na nakikita sa mga action RPG game. Maraming mga RPG na may fantasy realms o medieval times. Gayunpaman, ang mga bagong RPG ay pwede ding magkaron ng post-apocalyptic o mga steampunk universe.

Role-Playing vs RPG

Ang role-playing ay isang malawak na genre na sakop ang paglalaro ng isang character habang ang mga RPG video game ay mas maraming elemento ng exploration. Pareho itong pwedeng magkaron ng magkatulad na mga feature, plot presentation, game mechanics, at magkatulad na pangalan. Tulad ng lumilitaw na isa pang natatangi at nakakalitong pagkakaiba sa pagitan ng live-action role-playing at ng mga video game variant, pinaghiwalay namin ang dalawa para mas malinaw.

Maikling Kasaysayan ng mga JRPG Game

Ang Dragon Slayer (1984) ay isinasaalang-alang bilang ang pinaka unang game sa subgenre na ito. Ang ilang modernong inspirasyon ay kinabibilangan ng mga sikat na game series tulad ng Final Fantasy, Tales, Persona, at marami pang iba. Ang mga Pokemon game para sa portable game console na Gameboy ay nakatulong sa pagsikat ng RPG genre. Ang Pokemon game series ay nagsimula nung taong 1996 at naging inspirasyon ang kasikatan ng mga trading card game ang ng TV series.

Mga Recommended na mga RPG Game