Malihim na Laro

Maglaro ng Larong Malihim sa Y8.com. Dapat ikaw ay manatiling hindi nakikita sa mga larong ito para maatim mo ang iyong misyon. Kakayanin mo bang dumaan sa madidilim na pasilyo, delikadong mga daanan, at manatiling hindi nakikita hanggang sa matapos ang iyong misyon? Iyan ang pagiging malihim. Gawin mo na sa Y8.com
Ayusin ayon sa:

Mga Stealth Game

Ang stealth ay isang genre ng mga computer game kung saan ang player ay kailangang iwasan na makita ng mga kalaban o palihim na talunin sila nang walang nakakakita. Para gawin ito, ang game character ay kailangang magtago, gumamit ng disguise, at gumalaw nang tahimik. Ang player ay kadalasang may pagpipilian, lagpasan ang guwardya nang tahimik o tahimik silang supilin. Ang pag-atake sa mga kalaban head-on ay kailangang iwasan sa mga stealth game. Kung ikaw ay nakita ng guwardya, magiging alerto sila at pwede nilang tugisin ang mga nanghihimasok. Kadalasan, ang mga stealth game ay gumagamit ng third-person view dahil ang wide view ay mas angkop sa stealth game mechanics. Dahil ang genre na ito ay sikat, ang mga stealth game minsan ay sinasama ang gameplay ng ibang mga genre, tulad ng mga first-person shooters, platformers, at siyempre ang ninja games.

Ang genre ay nagsimulang umani ng malupit na pagkilala noong 1998 kung kelan ang game series na Metal Gear at Thief ay nakakuha ng malaking tagumpay. Makalipas ang ilang taon, ang mga game na ito ay sinundan ng dalawa pa na hanggang ngayon ay nanatili paring iconic sa genre na ito. Ang una ay pinamagatang Hitman at ang pangalawa ay ang Splinter Cell. Mahalaga ring mabanggit na ang kombinasyon ng mga stealth at survival horror genre ay isa sa pinaka atmospheric, salamat sa mga PC game tulad ng Amnesia (2010) at Outlast (2013).

Mga Recommended na Stealth Game