Maligayang pagdating sa panibagong yugto ng nakakatuwang serye ng laro na Bartender, ang Bartender The Wedding! Si Miguelita, ang kapatid ng sikat na si Miguel, ang magiging bartender sa kasal ng kanilang pinsan na si Carlos. Tulungan siyang lumikha ng lahat ng tamang timpla ng inumin at pasayahin ang lahat ng bisita! Ngunit kailangan mong pahangain ang tatlong mahahalagang bisita! Una ay ang selosong dating kasintahan, si Santos. Kailangan mong gumawa ng tamang timpla na magbibigay sa kanya ng closure at makapagpatuloy. Sunod ay ang mayaman at napakademanding na biyenang lola, si Maria Beranda. Gawin mo sa kanya ang inuming hinihingi niya at siguradong ibibigay niya ang kanyang mga basbas sa bagong kasal. Panghuli ay ang magandang nobya ni Carlos, si Valeria Valencia. Ihanda ang inumin na magpapahayag sa kanya ng “I DO” at hahalikan niya si Carlos para sa kanilang maligayang habambuhay! Laruin ang larong ito ngayon at tingnan ang lahat ng nakakatawang ekspresyon na magagawa mo sa iyong mga kliyente. Tingnan kung kaya mo pang gawin ang tamang timpla!
Makipagusap sa ibang manlalaro sa Bartender The Wedding forum