Isang platun ng Universal Patrol Troopers (UPT) ang ipinadala sa planetang Mars dahil sa impormasyon na doon ipagpapalit ang isang grupo ng mga batang alipin. Pinasok ng UPT ang kuta ng mga mang-aalipin at nailigtas ang mga ulila, ngunit tanging si trooper Blak Sampson lamang ang nakalabas nang buhay. Habang naghihintay siya sa tuyot na disyerto ng Mars para sa kanyang barkong panligtas, ipinagtanggol niya ang mga ulila mula sa kawan ng mga mababangis na alien grubs ng mga mang-aalipin.