Ang Couscous ay isang putaheng Berber na gawa sa semolina na karaniwang inihahain kasama ng nilagang karne o gulay at ito ay pangunahing pagkain sa mga tao ng Algeria, Morocco at maging sa Africa. Ang Couscous ay parang pasta, wala itong sariling lasa pero mahusay itong humahalo sa iba't ibang gulay, pampalasa, at sarsa. Madali itong ihanda sa loob lamang ng ilang minuto at nagbibigay ito ng maraming lasa at sustansya kaya ito ay patuloy na sumisikat sa buong mundo.