Sawing-sawa ka na ba sa mga sablay na paradahan na nakikita mo sa parking lot na nagpapahirap sa iba na makahanap ng pwesto? Ilabas ang galit na iyan sa pagtukoy at pagsira ng mga sasakyang sablay ang parking sa Parking Rage. Simulan ang laro na may isang baril sa ibabaw ng iyong kotse. Hanapin ang iyong daan papunta sa naka-highlight na parking spot sa pamamagitan ng pagsunod sa arrow na nagtuturo ng daan. Habang umaandar ka, sirain ang anumang sasakyang sablay ang parking na nakaharang sa iyo; tiyakin mong iwanang buo ang mga maayos na nakaparadang kotse. Pumarada sa parking space bago maubos ang oras para makakuha ng stars. Gamitin ang iyong stars para bumili ng upgrades para sa iyong kotse para mas marami kang pasabugin na kotse.