
Kailangan mong kumain ng mga tubig dagat na nailalang (tulad ng isda o plankton orbs) upang humaba at lumaki.
Tandaan: Kung ikaw ay mas malaki, mas katatakutan ka ng iba pang mga sea dragon. Ito ang walang humpay na lohika.
Sa pagtapos ng mga iba't-ibang quest, magkakaroon ka ng mga bagong card na kumakatawan sa ibang lahi ng sea dragon.
Simple lang ang pagkontrol nito: Igalaw lang ang iyong mouse cursor sa direksyon kung saan mo ito gusto pumunta.
Pwede kang bumilis sa pagpindot ng left mouse button. Pero ang pang sprint ay may kapalit: mababawasan ang iyong laki. Kaya mag-ingat sa pag-gamit nito!
Tulad ng ibang mga io game na may kaparehas na gameplay (slither io, gulper io, happy snakes, at iba pa) , ang haba ng iyong katawan ang tanging sandata mo para mabuhay.
Mas madali mong makukulong ang ibang mga dragon kung mas mahaba ka. Pero pwede ka paring matalo: kahit gaano ka pa kalaki, iwasang mong bumangga ang iyong ulo sa katawan ng iba. Kahit ang isang pagbangga ay katumbas ang pagkatalo.
Pwede kang makapag unlock ng mga bagong lahi at i level up kung ano mang meron ka sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga card. At kailangan mong malaman na kung mas mataas ng level ng iyong paboritong dragon, mas mahaba ang katawan ito sa simula ng laro.
Magsasaya ka sa paglalaro ng SeaDragons io sa Y8.com!