Secret of Mystery House 3: The Bastien Curse

29,754 beses na nalaro
6.5
Salamat, ang boto mo ay nairekord na at malapit ng makita.
Oo
Hindi
Idinagdag sa iyong profile favorites.
Mga detalye ng laro

Kapag may isang bagay na sobrang kakila-kilabot na nangyari sa isang lugar, na hindi na makahanap ng kapayapaan ang kaluluwa ng mga namatay, nagiging haunted ang lugar. Sa huling bahagi ng ika-19 na siglo sa isa sa mga plantasyon ng New Orleans, payapang namuhay ang pamilya Bastien. Bigla na lang, lumala ang sitwasyon. Una, nagkasakit ang lahat ng bata at namatay nang sunud-sunod, nang hindi inaasahan at walang malinaw na dahilan. Dahil dito, inakusahan ang mga alipin na sila ang may pananagutan dahil diumano'y gumagamit sila ng mga voodoo doll para sa itim na salamangka. Ang parusa ay malupit – sinunog sila hanggang mamatay. Matapos ang insidente, bumalik si Armand Bastien sa bahay ngunit hindi na siya nakita pa ninuman – misteryoso siyang nawala nang walang bakas. Ang iyong misyon sa point and click horror adventure na ito ay gampanan ang papel ng isang paranormal investigator at subukang hanapin ang mga voodoo doll sa isang lugar sa isinumpang bahay. Ito lamang ang paraan upang makahanap ng kapayapaan ang mga multo at upang masira ang sumpa. Subukang idokumento ang lahat ng makita mong kahina-hinala na maaaring magamit bilang ebidensya sa bandang huli. Mahalaga ang pagkuha ng litrato ng mga multo kung makakita ka man.

Idinagdag sa 27 Okt 2017
Mga Komento