Isang pangunahing karakter at ang Prinsesa na pinakamadalas lumitaw sa seryeng Adventure Time, at unang lumabas sa animated short. Siya ay isang siyentipiko, imbentor, at ang pinuno ng Candy Kingdom. Siya ay natalo sa botohan ng Hari ng Ooo sa "Hot Diggity Doom" at kalaunan ay nagbitiw, hanggang sa isang paghihimagsik laban sa Hari ng Ooo ang nagpahintulot sa kanya na mabawi ang trono sa "The Dark Cloud."